Ex-Cong protektor ng mga namimili ng boto – Wacky Leaks ni Den Macaranas

April 20, 2016 - 02:51 AM

 

den-macaranas1Isang dating party-list Representative ang sugo ng isang mayamang mag-asawa sa isang lalawigan na malapit sa Metro Manila para kausapin ang ilang mediamen na kritikal sa kanilang maagang vote-buying activities.

Sinabi ng ating Cricket na nakikiusap ang nasabing dating mambabatas sa ilang mediamen na maghinay-hinay sa paglalabas ng detalye kaugnay sa vote-buying.

Nauna na kasing lumutang ang mga reports na P1,000 ang ibinibigay ng mag-asawang kandidato sa kanilang mga constituents kapalit ng boto sa halalan.

Nagaganap ang bilihan ng boto sa mismong bahay ng Bilyonaryong mag-asawa at sa tahanan ng kanilang mga kaalyado sa pulitika.

Dahil marami na ang nababastusan sa ginagawa nilang pambabastos sa electoral process kaya lumapit na sa media ang ilang mga concerned citizens.

Si Madam ay isang reelectionist official samantalang si Sir naman ay naghahangad na maging chief executive sa kanilang lugar.

Dahil alam nilang mahihirapan silang manalo sa eleksyon kaya pera ang kanilang ginagamit na paraan para maabot ang kanilang pinapangarap na kapangyarihan sa pulitika.

Sinabi ng ating Cricket na humihingi sa mag-asawa ng financial support ang dating party-list Representative para sa kanyang muling pagtakbo sa halalan.

Ito ang nakitang pagkakataon ng Billionaire couple na imbes na mamigay ng pera ay gamitin na lang nila ang dating mambabatas na taga-gapang sa mga miyembro ng media.

Pero mahina ang dating ng kanilang sugo.

Wala isa man sa mga kinausap na mediamen ang tumiklop sa kanyang pakiiusap kaya lang ay duda ang ilan sa kanyang mga nikapitan na miyembro ng media.

Bukod kasi sa mukhang pera ay kilalang corrupt sa kanyang pinagmulang industriya ang dating mambabatas.

Sinabi ng ating Cricket na tiyak na binayaran ang nasabing dating mambabatas kaya ganun na lamang siya kapursige na patigilin ang mga bumabanat sa kanyang newly found friend.

Ang dating partylist congressman na rumaraket na protector ng mag-asawang vote-buyer ay si Mr. A….as in Anghel na walang dating.

Yung mag-asawa ay kilala nyo na dahil sikat sila pagdating sa paramihan ng pera at negosyong takbuhan ng mga taong nagigipit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.