WATCH: DTI, nababahala sa nararanasang rotational brownout sa Luzon

By Chona Yu June 02, 2021 - 02:46 PM

Nababahala na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa sunud-sunod na nararanasang rotational brownout sa Luzon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, maari kasing maapektuhan ang pagnenegosyo sa bansa lalo’t ngayon pa lamang unti-unting nakababangon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Lopez, kakausapin niya si Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay sa problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Umaasa si Lopez na mayroon sanang back-up plan ang DOE para tugunan ang problema.

Hindi kasi aniya maganda sa pagnenegosyo kung kulang ang suplay ng kuryente dahil maapektuhan ang operasyon.

Umaasa si Lopez na ang nangyayaring rotational brownout ay bunsod lamang ng mataas na demand dahil sa mainit na panahon at pagkasira ng mga planta.

Sa ngayon, pag-aaralan pa ng DTI kung magkano ang epekto sa pagnenegosyo ang kakulangan ng suplay ng kuryente.

Narito ang pahayag ni Lopez:

TAGS: Alfonso Cusi, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Ramon Lopez, rotational brownout, rotational brownout in Luzon, Alfonso Cusi, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Ramon Lopez, rotational brownout, rotational brownout in Luzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.