PDP-Laban nagsorry sa rape joke, pero Duterte itinanggi ito
Itinanggi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na humihingi ito ng paumanhin sa kanyang binitiwang salita patungkol sa sinapit ng isang Australian missionary na ginahasa at pinatay noong 1989 hostage crisis sa Davao City.
Ito’y sa kabila ng lumutang na statement na inilabas umano ng PDP-Laban kung saan humihiling umano ng paumanhin ang alkalde sa kanyang mga binitiwang salita sa isang campaign sortie kamakailan.
Giit ni Duterte sa panayam ng media sa Iloilo City, humihingi siya ng ‘sorry’ dahil sa nangyari ang karumal-dumal na panghahalay at pagpatay sa dayuhang misyonaryo na si Jacqueline Hammil noong 1989 sa kanyang syudad.
Gayunman, sinabi nito na hindi siya humihingi ng paumanhin sa paraan kung paano niya pinoprotektahan ang kapakanan ng mga biktima ng iba’t-ibang uri ng krimen.
Paliwanag pa nito, nasambit nya lamang ang mga pahayag ukol sa misyonaryo ‘in the heat of anger’.
Sakali aniyang matalo siya sa halalan dahil sa kanyang mga nasambit ay handa siyang tanggapin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.