Isa pang pulis, pumanaw dahil sa COVID-19; 236 ang bagong gumaling
Nasa 143 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (June 2), 24,253 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,650 ang aktibo pang kaso.
236 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 22,536 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
May isang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na pumanaw ang isang 47-anyos na Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Tagium City.
Bunsod nito. 67 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.