Mga sasakyan hindi na pwedeng tumawid sa kanto ng EDSA at Muñoz sa QC

By Ruel Perez April 19, 2016 - 08:29 PM

Muñoz EdsaEpektibo sa loob ng linggong ito, gagawin na lamang two- phase ang daloy ng trapiko sa kanto ng Muñoz at EDSA sa Quezon City mula sa ipinatutupad ngayong four-phase system.

Sinabi ni PNP Highway Patrol Group Director Arnold Gunnacao  na kung ngayon ay pwede pang tumawid ang mga sasakyan sa EDSA partikular na ang mga galing sa east at west directions, sa two phase system ay kailangan na silang gumamit ng u-turn slot.

Ang mga sasakyang nasa Northbound at Southbound lanes lamang ang bibigyan ng prayoridad sa EDSA.

Maliban dito, sinabi ni Gunnacao na babawasan na rin nila ang panahon ng paghinto ng mga sasakyan sa lugar.

Paliwanag ni Gunnacao, humahaba ang mga naiipong mga sasakyan at umaabot ang buntot sa may Trinoma o kanto ng North Avenue at EDSA kapag mahaba ang stop time.

Sa kasalukuyan aniya ay 120 seconds ang tigil ng mga sasakyan sa Northbound at Southbound ng Muñoz/EDSA intersection para bigyang daan ang mga galing sa west at east directions na makatawid papunta sa kanilang destinasyon.

Balak ng HPG na gawin na lamang itong 60 seconds o isang minuto.

TAGS: edsa, HPG, Muñoz, edsa, HPG, Muñoz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.