Higit 3,000 pasahero, higit 800 sasakyang-pandagat stranded sa ibat-ibang seaports dahil sa bagyong Dante

FILE PHOTO

Hindi na muna pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabiyahe ang 868 ibat-ibang uri ng sasakyang-pandagat sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng bagyong Dante.

Nagbunga ito, ayon sa PCG, nang pagkaka-stranded ng 3,007 pasahero sa ibat-ibang seaports sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol regions.

Bukod pa dito, ang pagkakahinto ng biyahe ng 87 vessels at 84 motorbancas para maiwasan ang anumang sakuna dahil sa hindi kaaya-ayang kondisyon ng karagatan.

Samantala, ang deployable response groups (DRGs) ng PCG ay naka-stand by status sa mga apektadong lugar para sa posibleng pagsasagawa ng evacuation at rescue operations.

Malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang nakakaranas ng epekto ng ika-apat na bagyo na tumama sa Pilipinas ngayon taon.

Read more...