Pasay City, may pinakamababa ng COVID 19 cases sa Metro Manila

By Jan Escosio June 02, 2021 - 12:00 PM

PASAY CITY PIO PHOTO

Nakapagtala na lamang ng 59 active COVID 19 cases sa lungsod ng Pasay, ang pinakamababa sa Metro Manila.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto – Rubiano, ang pagbaba ng husto ng bilang ay bunga ng kanilang pinatinding pagsusumikap at mahigpit na pagpapatupad ng safety and health protocols.

Ang City Health Office ay nakapagtala ng kabuuang 14,296 cases at 13,854 o 96.91 percent sa bilang ay gumaling sa naturang nakakamatay na sakit.

“Ngayon po nakamit na natin ang pinakamababang bilang ng kaso sa Metro Manila, nakikiusap po ako n asana ay pag-ibayuhin pa lalo nating lahat ang pagsugpo sa perwisyong virus na ito,” sabi ni Calixto – Rubiano.

Una na rin pinuri ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang pamahalaang-lungsod ng Pasay dahil sa mga ginagawang hakbang at programa na napatunayang epektibo para mapigilan pa ang pagkalat ng sakit.

Naiparating pa kay Pangulong Duterte na inabot lang ng isang buwan para maibaba ang bilang kasunod nang pagkakadiskubre sa lungsod ng unang kaso ng South African variant ng virus sa bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.