2022 budget ng NTF-ELCAC pinangangambahang gagamitin sa 2022 elections

Base sa paniniwala na gagamitin ng administrasyong-Duterte na pondo sa pangangampaniya sa 2022 elections, sinabi n ani Senate Minority Leader Frank Drilon na lalabanan niya ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) sa susunod na taon.

 

Sinabi niya kinakailangan na maging mapagbantay ang lahat dahil ang pambansang pondo sa susunod na taon ay itinuturing na ‘election budget.’

 

Diin niya hindi dapat magamit ang pambansang pondo sa eleksyon o partisan politics.

 

Naniniwala ito na hihingi ang NTF-ELCAC ng karagdagang pondo sa susunod na taon para mamahagi ng karagdagang pondo sa ibat-ibang barangay.

 

Aniya masyado naman halata na ang sinasabing anti-insurgency budget ng NTF-ELCAC ay gagamitin para pabanguhin ang mga kandidato ng administrasyon sa papalapit na eleksyon.

 

Naniniwala din si Drilon na may mga senador na nais pang bigyan ng ‘zero budget’ ang task force sa susunod na taon.

 

Read more...