Bagyong Dante nag-second landfall sa Masbate, posibleng lumapag din sa Romblon

By Jan Escosio June 02, 2021 - 08:35 AM

Lumapag muli sa kalupaan ang bagyong Dante kaninang madaling araw, ayon sa PAGASA.

Sa update ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay nag-landfall sa Cataingan, Masbate.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan sakop ng Balud, Masbate taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at bugso na aabot sa 90 kilometro kada oras.

Una ito tumama sa kalupaan sa Eastern Visayas kagabi.

Inaasahan na magpapatuloy ang pagkilos ng bagyo sa direksyon na kanluran-hilaga-kanluran sa susunod na 12 oras at maaring mamayang hapon ay mag-landfall naman ito sa Romblon habang gigilid sa timog bahagi ng Quezon – Batangas area.

Ngunit kung hindi magbabago ang kasalukuyang direksyon na tinatahak ng bagyo ay maaring dumaan ito sa bahagi ng Oriental Mindoro.

Nakataas ang Tropical Cyclone Signal No. 2 sa ilang lugar ng Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbatem Camarines Sur at Camarines Norte sa Luzon.

Gayundin sa Capiz, Aklan, at Iloilo.

Nakataas naman ang Tropical Cycle Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Abra, Pangasinan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Laguna, Cavite at Batangas, Albay, Sorsogon, Catanduanes, at sa mga natitirang bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur, Oriental Mindoro at Occident Mindoro.

Maging sa ilang bahagi ng Northern Samar, Samar, Leyte, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.