Panukalang batas upang i-repeal ang Medical Act of 1959 lusot na sa Kamara

June 01, 2021 - 06:19 PM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 9061 o panukalang Physicians Act.

Sa botong 236-YES, 6-NO, at 0-ABSTAIN, pumasa ang panukalang batas na layong i-repeal ang matanda nang Republic Act no. 2382 o Medical Act of 1959, upang ma-update ang “standards and regulations” sa hanay ng mga doktor, at makatugon scientific advancements at sa modernong panahon.

Ayon kay House Committee on Health Chairman Angelina “Helen” Tan, pangunahing may-akda ng panukala, sa oras na maging ganap na batas ay masasakop ng regulasyon sa medical education ang clinical clerkship, post-graduate medical internship, licensure at residency program.

Kasama rin sa mga mahahalagang probisyon nito ay ang Integrated National Professional Organization of the Physicians.

Ito ay parang Integrated Bar of the Philippines, na magsisilbing pambansang organisasyon para sa mga doktor, kung saan lahat ng mga doktor ay “mandatory” na magiging miyembro.

Nakasaad pa sa panukala ang pagbuo ng Medical Education Council o MEC sa ilalim ng Commission on Higher Education o CHED, at isang Post-Graduate Medical Education Council.

Pinatitiyak din dito ang regulasyon sa medical residency nang may maayos na working conditions para sa mga resident, kabilang na ang disenteng sweldo at benepisyo, kung saan ang “base pay” ay hindi bababa sa Salary Grade 22.

Sa ilalim pa ng panukala, papayagan na mag-practice ng medisina sa Pilipinas ang mga dayuhan, basta’t siya ay mula sa bansa kung saan ang mga Filipino citizen ay pinapayagan din na mag-practice ng medisina sa kaparehong kundisyon.

TAGS: Kamara, Medical Act, Rep. Helen Tan, Kamara, Medical Act, Rep. Helen Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.