Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 11:00, Martes ng gabi (June 1), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Dante.
Nakataas ang red warning level sa Cebu.
Orange rainfall warning naman ang nakataas sa Bohol, Southern Leyte, Leyte, Samar, Eastern Samar, Negros Oriental, Biliran at Siquijor.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.