200 katao, inilikas dahil sa pagbaha sa Agusan del Norte
By Angellic Jordan June 01, 2021 - 09:23 PM
Aabot sa 200 katao o 55 pamilya ang inilikas sa Agusan del Norte, araw ng Martes.
Mabilis kasing tumaas ang lebel ng tubig sa Tubay River dahil sa dalang ulan ng Tropical Storm Dante.
Inasistihan ng Philippine Coast Guard SubStation Tubay, Marine Environmental Protection Unit- Agusan del Norte at Tubay Local Government Unit ang mga residente sa tabing-ilog.
Dinala ang mga residente sa Doña Rosario National High School para matiyak na ligtas sila sa pananalasa ng naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.