Naramdaman ang magnitude 3.8 na lindol sa Camarines Sur, Martes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Southeast ng Sipocot bandang 6:32 ng gabi.
Nasa 10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 4 – Sipocot, Camarines Sur
Intensity 1 – Daet, Camarines Norte
Hindi naman nagdulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.