Dagupan City, nakapagtala ng 51 degrees Celsius na heat index
Patuloy na nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa sa araw ng Martes, June 1.
Sa datos ng PAGASA, umabot sa 51 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan dakong 2:00 ng hapon.
Umabot naman sa 50 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan bandang 11:00 ng umaga at Sangley Point, Cavite dakong 2:00 ng hapon.
46 degrees Celsius naman ang heat index sa NAIA Pasay City (2:00 ng hapon) at Tuguegarao City, Cagayan (5:00 ng hapon) habang 45 degress Celsius ang naitala sa Ambulong, Batangas (11:00 ng umaga).
Nasa 44 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Alabat, Quezon (11:00 ng umaga)
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
43 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (11:00 ng umaga)
– Itbayat, Batanes (11:00 ng umaga)
– Legazpi City, Albay (11:00 ng umaga)
– Science Garden Quezon City (2:00 ng hapon)
Naitala ang 42 degrees Celsius na heat index sa:
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)
– Infanta, Quezon (11:00 ng umaga)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)
Umabot naman sa 41 degrees Celsius ang heat index sa Port Area, Manila dakong 11:00 ng umaga.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.