Economic Cha-cha, aprubado na sa Kamara

June 01, 2021 - 07:10 PM

Inquirer file photo

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Resolution of Both Houses no. 2 o Economic Charter Change o Cha-cha.

Sa araw ng Martes, June 1, pinagtibay ang panukalang pag-amyenda sa ilang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution sa botong 251 na Yes, 21 na No, at dalawang abstain.

Naipasa ang naturang resolusyon sa kailangan ng 3/4 votes mula sa buong miyembro ng Kamara.

Sa ilalim nito, partikular na pinaaamyendahan ang Article 12 (National Patrimony and Economy), Article 14 (Education, Science, Technology, Arts, Culture and Sports) at Article 16 (General Provisions).

Nakasaad din dito na isisingit ang katagang “unless otherwise provided by law” para luwagan ang limitasyon sa foreign ownership sa natural resources, public utilities, educational institutions, media at advertising sa Pilipinas.

Sa pagkakapasa sa RBH no. 2, iaakyat na ito sa Senado para sa deliberasyon.

TAGS: 18th congress, economic Cha-cha, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, economic Cha-cha, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.