Kapalaran sa 2022, ipinasa-Diyos na rin ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio June 01, 2021 - 05:53 PM

Tulad ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Senator Christopher Go na bahala ang Diyos sa kanyang magiging tadhana sa susunod na taon, kung kailan maghahalal ang sambayanan ng bagong mamumuno sa bansa.

Muli lang din iginiit ni Go na hindi siya interesado na saluhin ang posisyon ngayon ni Pangulong Duterte sa susunod na taon.

Aniya sa ngayon, laking pasasalamat na niya dahil nahalal siyang maging senador ng bansa at aniya, ang kanyang atensyon ay nakatuon lang ngayon sa mga responsibilidad bilang mambabatas at sa pagtulong sa mga apektado ng pandemya at kalamidad.

Ngunit, pinasalamatan niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa pagka-Pangulo dahil sa kanilang tiwala.

Bukod sa kanya, isa pa sa pinagpipilian na maging standard bearer ng administration party ay si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.

TAGS: 2022 elections, bong go, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 2022 elections, bong go, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.