Bwelta ng Palasyo sa 1Sambayanan: “The joke maybe on them”

By Chona Yu June 01, 2021 - 05:50 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

“The joke maybe on them.”

Bwelta ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ng 1Sambayanan na “joke of the worst kind” na posibleng tumakbong bise presidente ng bansa sa may 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw naman kasi na hanggang sa ngayon, wala pang desisyon si Pangulong Duterte kung anong landas ang tatahakin sa susunod na eleksyon.

“Wala pa naman pong desisyon ang Presidente. Ang masasabi ko lang, baka the joke maybe on them,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon kasi aniya, pinag-iisipan pa ng Pangulo kung ano ang mas makabubuti para sa bayan.

Una nang sinabi ng Pangulo na pagod na siya sa pagiging lider ng bansa at gusto nang magpahinga sa Davao City oras na matapos ang kanyang termino sa 2022.

TAGS: 1Sambayan, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 1Sambayan, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.