One-time P20,000 cash aid sa ECC pensioners, ibibigay simula sa Hunyo
Ibinahagi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sisimulan ng Employees Compensation Commission (ECC) ang pamamahagi ng one-time P20,000 financial aid sa kanilang pensioners.
Ayon kay Bello, ang tulong-pinansiyal ay ipapasok ng SSS at GSIS sa kanya-kanyang account ng tinatayang halos EC 32,000 pensioners.
Paliwanag naman ni ECC Executive Dir. Stella Zipagan-Banawis, hindi na kinakailangan pang mag-apply sa cash aid ng kanilang pensioners dahil isasailalim ito sa proseso tulad sa kanilang pensyon.
“EC pensioners in the private sector with at least one month of permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD), or survivorship pension from January 1, 2020, to May 31, 2021, will benefit from the one-time financial assistance,” sabi ni Banawis.
Noong nakaraang Abril, inilabas ng Malakanyang ang AO No. 39 na nagbibigay ng one-time financial aid sa EC pensioners at private at public sectors at ito ang mga may permanent partial disability (PPD) o permanent total disability (PTD).
Sakali namang namatay na ang pensioner sa pagitan ng January 1, 2020 hanggang nitong Mayo 31, ang P20,000 ay ibibigay sa kanyang benepisyaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.