Pangulong Duterte, pinag-iisapan pa kung tatakbo bilang VP sa 2022 polls

By Chona Yu June 01, 2021 - 04:19 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Pinag-iisipan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbong bise presidente ng bansa sa May 2022 elections.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos ihayag ng mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) na nais nilang tumakbong bise presidente ang Pangulo para maipagpatuloy pa ang mga programang nasimulan ng administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ng Pangulo na kailangan munang pag-isipan ang naturang bagay.

Ayon kay Roque, sinabi ng Pangulo na nakapagsilbi na siya sa bayan.

Pero sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo napag-iisipan pa niya kung ano ang pinakamabuti para sa bayan.

“Sa lahat ho ng nagtatanong kung ano ang kasagutan ng Presidente, ang kasagutan po ay pag-iisipan po niya. Siyempre po siya ay na-nominate, kinakailangan pag-isipan. On the one hand eh sabi niya nakapagsilbi na siya sa bayan, on the other hand ang sabi niya iisipin niya kung anong pinakamabuti para sa bayan – iyon po ang kasagutan ng Presidente,” pahayag ni Roque.

Isa sa mga posibleng maka-tandem ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio na inuudyukang tumakbong pangulo ng bansa.

TAGS: 2022 elections, Duterte for VP?, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 2022 elections, Duterte for VP?, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.