Pulis na bumaril sa isang ginang sa QC, bugok na miyembro ng PNP – Palasyo

By Chona Yu June 01, 2021 - 04:01 PM

PNP photo

Isang bugok na pulis sa hanay ng Philippine National Police (PNP) si Police Master Sergeant Hensie Zinampan.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos mag-viral ang video ng pamamaril ni Zinampan sa 52-anyos na si Lilybeth Valdez sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa bawat organisasyon, palaging may isang bugok na miyembro.

Pero ayon kay Roque, isang isolated case lamang ang kaso na kinasasangkutan ni Zinampan.

Sinabi pa ni Roque na marami pa namang pulis ang propesyunal at tapat sa kanilang tungkulin.

Una nang itinanggi ni Zinampan ang krimen kahit na nakunan na ng video ang pamamaril.

TAGS: Harry Roque, Hensie Zinampan, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Harry Roque, Hensie Zinampan, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.