Luzon Grid, isinailalim sa mas mahabang Red Alert ng NGCP
Itinaas sa red alert status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid, araw ng Martes (June 1).
Ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Sa abiso ng NGCP, iiral ang red alert simula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at muling ipatutupad bandang 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.
Nauna namang pinairal ang yellow alert bandang 9:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at muling iiral bandang 5:00 hanggang 6:00 ng hapon at 10:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.
Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,408MW habang aabot naman sa 11,593MW ang peak demand.
Bunsod nito, ilang lugar ang makararanas ng power interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.