Catanduanes, Camarines Sur at iba pang lugar, nakataas na sa Signal no. 2 bunsod ng #DantePH
Napanatili ang lakas ng Tropical Storm Dante habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Maasin City, Southern Leyte o 125 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar dakong 1:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
May bilis pa rin ang bagyo na 15 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.
Bunsod ng bagyo, nakataas ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal nos.
Signal no. 2:
– Catanduanes
– Southern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Lagonoy, San Jose, Sagñay, Garchitorena, Buhi, Iriga City, Bato, Nabua, Balatan, Goa, Tigaon, Ocampo, Bula, Baao, Pili, Minalabac, Milaor, Naga City, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, San Fernando, Tinambac, Siruma)
– Masbate kabilang Ticao at Burias Island
– Albay
– Sorsogon
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Dinagat Islands
– Siargao at Bucas Grande Islands
Signal no. 1:
– Quezon kasama ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Marinduque
– Romblon
– Aklan
– Capiz
– Northern at central portion ng Iloilo (Lambunao, Janiuay, Dumangas, Zarraga, New Lucena, Pototan, Mina, Badiangan, Dueñas, Calinog, Bingawan, City of Passi, San Enrique, Dingle, Barotac Nuevo, Banate, Anilao, Barotac Viejo, San Rafael, Lemery, Ajuy, Sara, San Dionisio, Concepcion, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
– Northern portion ng Negros Occidental (San Carlos City, Salvador Benedicto, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, City of Talisay, Silay City, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Manapla, Murcia, Bacolod City)
– Bohol
– Northern at central portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Asturias, Balamban, Compostela, Liloan, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Consolacion, Cordova, Toledo City, City of Talisay, Minglanilla, City of Naga, Pinamungahan, San Fernando, Aloguinsan, City of Carcar) kasama ang Bantayan at Camotes Islands
– Nalalabing parte ng Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Northeastern portion ng Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Talisayan, Balingoan, Medina)
– Camiguin
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 oras, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Surigao del Norte, Dinagat Islands, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Samar, Eastern Samar, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Northern Samar, Bohol, northern portion ng Cebu kabilang Bantayan at Camotes Islands, Sorsogon, at Masbate.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Misamis Oriental, Agusan del Sur, Camiguin, Bukidnon, Davao Region, at SOCCSKSARGEN, at nalalabing bahagi ng Central Visayas.
Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran hanggang Miyerkules ng gabi, June 2.
Inaasahang magkakaroon ng initial landfall ang bagyo sa Eastern Samar o Leyte sa pagitan ng Martes ng gabi o Miyerkules ng madaling-araw, June 2.
Matapos ito, asahang hihina na ang bagyo at magiging tropical depression sa Biyernes at Low Pressure Area (LPA) sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.