PNP, nakataas sa full alert status para sa Bagyong #DantePH

By Angellic Jordan June 01, 2021 - 02:34 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Nakataas na sa full alert status ang disaster response units ng Philippine National Police (PNP) sa bahagi ng Visayas at Mindanao kasunod ng Tropical Storm Dante.

Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, ipinag-utos na sa lahat ng police offices, lalo na sa Eastern at Northern Samar, na makipag-ugnayan sa local government units at lokal na tanggapan ng Office of Civil Defense upang madetermina ang mga kinakailangang tulong.

“I am placing all concerned police offices and units on full alert to guarantee the availability of assets, resources and personnel for possible disaster response operations in areas threatened by Dante,” pahayag ni Eleazar.

Saad pa nito, “Bilin ko rin po sa ating mga kapulisan, makipagugnayan po tayo sa mga LGUs para makatulong sa preventive evacuation measures na kanilang isinasagawa sa mga apektadong residente.”

Pinatitiyak sa mga pulis na masiguro ang kaayusan at pagsunod sa minimum public health safety standards oras na dalhin ang mga bakwit sa iba’t ibang evacuation centers.

Samantala, nagbaba rin ng direktiba ang hepe ng PNP para sa activation ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) sakaling kailanganin ang dagdag na pwersa sa mga maaapektuhang lugar.

Hinikayat ni Eleazar ang publiko na manatiling ligtas at alerto kasunod ng bagyo.

Payo nito, “Maging alerto po tayo at sumunod sa ipinaguutos ng ating mga local chief executives, lalo na kung tungkol po ito sa preemptive evacuation.”

“Makakaasa po kayo na handa ang mga otoridad, kabilang ang ating kapulisan, na siguraduhin ang inyong kaligtasan mula sa banta ng bagyo,” aniya pa.

TAGS: Bagyong Dante, DantePH, Inquirer News, PNP, PNP on full alert, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Dante, Bagyong Dante, DantePH, Inquirer News, PNP, PNP on full alert, Radyo Inquirer news, Tropical Storm Dante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.