Humingi ng paumanhin si Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar sa pamilya ng 52-anyos na ginang na binaril at napatay ng pulis sa Quezon City.
Ayon kay Elaezar, nakikiramay siya at taos pusong huihingi ng tawad sa lahat dahil sa karumal-dumal na ginawa ng pulis kay Lilibeth Valdez.
Base sa video, binaril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan ang kapitbahay na si Valdez dahil sa personal na alitan.
Pangako ni Eleazar, magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang PNP sa kaso ni Zinampan.
Tuloy din aniya ang internal cleansing sa hanay ng PNP.
Base sa video, lasing ang pulis at sinabunutan ang biktima bago binarily sa leeg.
Kahit may video, itinanggi pa ng pulis ang krimen.
Hawak na ngayon ng PNP si Zinampan at sasampahan ng kasong murder.