Signal Number 2 itinaas sa ilang lugar dahil sa Bagyong Dante

Napanatili ng Bagyong Dante ang lakas habang kumikilos ng west-northwestward direction sa Philippine Sea East of Dinagat-Siargao Islands area.

Base sa 8 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometers kada oras at may pagbugso na 90 kilometers per hour.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 270 kilometers east ng Maasin City, Southern Leyte.

Kumikilos ang bagyo ng west-northwestward direction sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:

Luzon:

The eastern portion ng Masbate (Mobo, Uson, Dimasalang, Cawayan, Palanas, Cataingan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza) kasama na ang Ticao Island, Sorsogon, at eastern portion ng Albay (Legazpi City, Manito, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu)

Visayas:

Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, northern at central portions ng Leyte (Matag-Ob, Villaba, Ormoc City, Albuera, Burauen, Macarthur, Javier, Abuyog, La Paz, Mayorga, Tolosa, Dulag, Tabontabon, Julita, Tanauan, Dagami, Pastrana, Palo, Tacloban City, Babatngon, Alangalang, Santa Fe, Barugo, Tunga, Jaro, San Miguel, Carigara, Kananga, Tabango, Leyte, Calubian, Capoocan, San Isidro), at eastern portion ng Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan)

Mindanao:

Northern portion ng Dinagat Islands (Tubajon, Libjo, Loreto, Cagdianao), at Siargao at Bucas Grande Islands

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa:

Luzon:

Camarines Sur, Catanduanes, Camarines Norte, Albay, Masbate kasama  ang Burias Island, eastern portion ng Romblon (San Fernando, Cajidiocan, Magdiwang, Romblon), at eastern portion ng Quezon (Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Narciso, San Andres, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Lopez, General Luna, Macalelon, Quezon, Alabat, Gumaca, Perez) kasama ang Polillo Islands

Visayas:

Northeastern portion ng Capiz (Panay, Pontevedra, President Roxas, Roxas City, Pilar), northeastern portion ng Iloilo (Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Carles, Balasan), northern portion ng Cebu (Tuburan, Danao City, Carmen, Catmon, Sogod, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Borbon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Compostela, Liloan) kasama ang Bantayan at Camotes Islands,  northeastern portion ng Bohol (Talibon, Bien Unido, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia), natitirang bahagi ng Leyte at Southern Leyte

Mindanao:

Agusan del Norte, northern portion Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad, San Francisco), Surigao del Sur (Barobo, Lianga, San Agustin, Marihatag, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, San Miguel, Carrascal, Cantilan, Madrid, Lanuza, Carmen, Hinatuan, Tagbina), at natitirang bahagi ng Surigao del Norte

Ayon sa Pagasa, inaasahang magla-landfall mamayang hapon o mamayang gabi ang Bagyong Dante sa Eastern Samar o Leyte.

Pero dahil sa kilos na ipinapakita ng bagyo, maaring magbago ng direksyon at maaring kumilos ng west northwestward o westward direction at maaring magkaroon ng initial landfall sa Leyte o Dinagat Islands-Siargao Islands.

 

Read more...