Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer ang mga seafarers na magtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Pangulo, nakahanda ang pamahalaan na bakunahan ang mga seafarers gamit ang Western brand.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng Pangulo na hindi na dapat na maging choosy o mamili ng brand ng bakuna ang publiko.
Ayon sa Pangulo, wala namang lalabagin na equal protection clause ang mga seafarers.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mga seafarers ang humihirit na bigyan ng Western brand ng bakuna dahil requirement sa kanilang trabaho lalo na sa mmga European na kompanya ng barko.
MOST READ
LATEST STORIES