Pilipinas, magdo-donate ng $1-M sa COVAX facility – Duterte

Photo grab from PCOO Facebook video

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdo-donate ang Pilipinas ng $1 million sa COVAX facility.

Ang COVAX facility ang nakikipag-ugnayan ukol sa mga donasyon ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga mahihirap na bansa.

Sa kaniyang public address, Lunes ng gabi (May 31), sinabi ng Pangulo na nagso-solicite ng contribution ang COVAX mula sa mga bansang kayang makatulong.

“Itong binibigay ng COVAX sa atin, marami. At ngayon, bumawi naman sila na nagkukulang na ‘yung pera nila to help other countries, maybe including the Philippines, and they are asking for contributions para makabili pa sila, to keep the operations.. and they have asked the Philippines formally for a donation,” pahayag ni Duterte.

Dahil dito, magdo-donate aniya ang Pilipinas ng $1 million o katumbas ng higit P50 milyon.

“Magco-contribute po ako kasi napakabuti po ng COVAX sa atin at the time we needed it the most. One of the earliest agencies to help us aside from the contributions made by China,” paliwanag nito.

Dagdag pa nito, “And as a beneficiary of the generosity of COVAX and their desire also to help the people, we will answer their pleadings of donations. Philippines is giving 1 million dollars. ‘Yan ho ang ano natin, it’s our turn to return the goodwill that they have shown.”

Read more...