Mga lugar na nakataas sa Signal no. 1, nadagdagan dahil sa Tropical Storm #DantePH
Napanatili ang lakas ng Tropical Storm Dante habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa Philippine Sea.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte dakong 10:00 ng gabi.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
May bilis pa rin ang bagyo na 20 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.
Bunsod ng bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa:
Luzon:
– Eastern portion ng Sorsogon (City of Sorsogon, Magallanes, Bulan, Juban, Irosin, Santa Magdalena, Matnog, Bulusan, Barcelona, Casiguran, Gubat, Prieto Diaz)
– Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu)
Visayas:
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– Biliran
– Eastern portion ng Leyte (Leyte, Capoocan, Kananga, Jaro, Dagami, Burauen, Ormoc City, Javier, Mahaplag, Abuyog, Macarthur, Mayorga, La Paz, Dulag, Julita, Tolosa, Tabontabon, Tanauan, Palo, Tacloban City, Santa Fe, Pastrana, Alangalang, San Miguel, Barugo, Tunga, Carigara, Babatngon)
– Eastern portion ng Southern Leyte (Sogod, Libagon, Saint Bernard, San Juan, Anahawan, Hinundayan, Silago, Hinunangan)
Mindanao:
– Dinagat Islands
– Siargao at Bucas Grande Islands
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 oras, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Cebu, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, SOCCSKSARGEN, at nalalabing parte ng Caraga at Davao Region.
Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran hanggang sa araw ng Miyerkules, June 2.
Posible ring lumakas pa ang bagyo sa susunod na 48 oras at umabot sa severe tropical storm category sa Miyerkules ng hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.