Travel ban sa India at anim pang bansa, pinalawig hanggang June 15

Pinalawig ng Pilipinas ang ipinatutupad na travel restriction sa India at anim pang bansa.

Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na iiral pa rin ang travel ban sa mga biyahero mula sa India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, Oman at United Arab Emirates (UAE).

Epektibo pa rin ang travel ban simula June 1 hanggang 15.

Ani Roque, aprubado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang simula April 29 nang ipatupad ang travel ban sa India.

Isinama rin ang Sri Lanka, Pakistan, Bangladesh at Nepal sa listahan ng mga bansang may travel restrictions noong May 7.

Nagsimula naman ang travel ban sa Oman at UAE noong May 14.

Read more...