Sa Facebook, sinabi ng alkalde na nagkaroon siya ng lagnat at inabisuhang ma-admit sa ospital.
Matapos ang mga konsultasyon at serye ng mga pagsusuri, natagpuan aniyang mayroon siyang ‘slight pneumonia’.
“I am due for discharge today apan ni-sugyot ang akong doctor nga mogahin una kog panahon aron makapahuway,” pahayag nito.
Mag-medical leave aniya siya sa loob ng tatlong araw simula sa araw ng Lunes, May 31, hanggang sa Miyerkules, June 2.
Dahil dito, pansamantalang tatayong alkalde ng Cebu City si Vice Mayor Michael Rama
“Mobalik ako sa pag-serbisyo sa umaabot nga adlaw’ng Huwebes. While I am on medical leave, Vice Mayor Mike will be taking over executive functions at City Hall,” dagdag nito.