Sa datos ng PAGASA, umabot sa 50 degrees Celsius ang heat index sa Ambulong, Batangas at Sangley Point, Cavite bandang 2:00 ng hapon.
47 degrees Celsius naman ang heat index sa Legazpi City, Albay habang 46 degrees Celsius sa Casiguran, Aurora bandang 2:00 ng hapon at maging sa Dagupan City, Pangasinan dakong 11:00 ng umaga.
Nasa 45 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– NAIA, Pasay (2:00 ng hapon)
Nasa 44 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan dakong 11:00 ng umaga.
43 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Coron, Palawan (2:00 ng hapon)
– Infanta, Quezon (2:00 ng hapon)
– Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon)
– Masbate City, Masbate (2:00 ng hapon)
– Roxas City, Capiz (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
Naitala ang 42 degrees Celsius na heat index sa:
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (2:00 ng hapon)
– Port Area, Manila (2:00 ng hapon)
Umabot naman sa 41 degrees Celsius ang heat index sa:
– Puerto Princesa City, Palawan (2:00 ng hapon)
– San Jose, Occidental Mindoro (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.