DOJ pag-aaralan kung iimbestigahan ng EJK panel ang pagkamatay ng dalawang NDF peace consultants
Kinakailangang pag-aralan muna ng Department of Justice o DOJ ang detalye ng pagkakapatay sa dalawang peace consultants ng National Democratic Front of the Philippines bago malalaman kung paiimbestigahan ito sa Inter-Agency Committee on Extra-Judicial Killings.
Ito ang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra at aniya, magsasagawa sila ng preliminary assessment sa mga insidente.
Aniya, nagbigay na siya ng direktiba kung maaring kumilos ang pinamumunuan niyang komite sa pagkamatay nina Rustico Tan, isang dating pari at Reynaldo Bocala.
Maaring maisama na rin sa imbestigasyon ang pagkakapatay kay Arguelles Epago, tauhan ni Bocala.
Ilang indibiduwal at grupo ang kinondena na ang pagpatay sa tatlo noong gabi ng nakaraang Biyernes, Mayo 28.
Ang 80-anyos na si Tan ay nagpapahinga sa Barangay Upper Poblacion, Pilar, Camotes Island sa Cebu nang barilin.
Samantala, napatay naman sina Bocala, 75-anyos at Epago, 60-anyos, sa pagsalakay sa isang bahay sa Barangay Balabag sa Pavia, Iloilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.