Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 1.2-M na
Umabot na sa higit 5.1 milyon ang bilang ng mga nabakunahan kontra sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang May 30, 2021 nasa kabuuang 5,180,721 na ang nabakunahan laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 3,974,350 ang nabigyan ng first dose habang 1,206,371 ang naturukan ng second dose.
Nasa 144,402 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Sa ngayon, mayroon nang 1,124 aktibong vaccination sites sa bansa.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.