Sinabi ni Go na sa pagkaka-apruba sa third at final reading ng kanyang mga panukala, matitiyak na ang maayos at matatag na health care system sa bansa.
Paliwanag niya, madadagdagan ang kapasidad ng mga ospital sa kanilang pagtugon sa gitna ng pandemya.
Ang mga ospital na madadagdagan na ang kapasidad ay ang:
– Eastern Visayas Medical Center
– Gov. Benjamin Romuladez General Hospital and Schistosomiasis Center
– Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center
– East Avenue Medical Center
– Davao Occidental General Hospital
– Eastern Pangasinan Regional Medical and Trauma Center
– First Misamis Oriental General Hospital
– Bacolod City General Hospital
– Rosario District Hospital
– Sinait District Hospital
– Naguilian District Hospital
– Senate President Neptali A. Gonzales General Hospital, at
– Rizal, Palawan Lying-In Clinic
Pinasalamatan ni Go ang mga kapwa senador sa pagsuporta sa mga naturang panukala.
Aniya, kapag napirmahan na para maging ganap na batas, maisasama na ang pondo ng pagsasaayos ng mga ito sa 2022 national budget.