PDP-Laban, hinimok si Pangulong Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022 elections
Aprubado ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa isinagawang national council meeting ang dalawang resolusyon na nag-uugyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-vice president sa 2022 elections.
Base sa resolusyon, hahayaan si Duterte na makapili ng presidential candidate o running mate sa naturang eleksyon.
Isinagawa ng PDP-Laban, na may 1,000 miyembro, ang council meeting sa Cebu.
Nauna nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hahayaan ng Pangulo sa Panginoon kung tatakbo siya bilang vice president sa susunod na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.