Tropical Storm #DantePH, napanatili ang lakas; Ilang lalawigan, nakataas sa Signal no. 1

Napanatili ng Tropical Storm Dante ang lakas habang kumikilos pa-Kanluran sa Philippine Sea.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 455 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte dakong 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Narito ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:
– Eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang)
– Northeastern portion ng Eastern Samar (Arteche, San Policarpo)

Ayon sa weather bureau, patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa susunod na 36 oras.

Posible pang lumakas ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa Miyerkules ng umaga o hapon, June 2, bago tuluyang humina.

Read more...