Telcos, nakapagtayo ng dagdag na 1,672 towers ngayong taon

By Chona Yu May 31, 2021 - 03:44 PM

Malaki ang naging improvement sa telco infrastructure sa bansa dahil sa mas mabilis na proseso ng pagkuha ng permit sa mga lokal na pamahalaan.

Dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang proseso ng aplikasyon para sa LGU permits nooong July 2020, malaki ang itinaas ng inisyung permit sa mga telcos mula July 2020 hanggang April 2021.

Batay sa datos, noong 2019, 1,636 permits ang nai-isyu sa DITO, Globe at Smart.

Noong 2020, umabot sa 6,451 permits ang nai-isyu sa tatlong telco, na katumbas ng 294 porsyentong pagtaas.

Simula naman noong Enero hanggang Abril 2021, 2,789 permits na ang nai-isyu sa mga telco.

Dahil sa mabilis na pagpapalabas ng permit, tumaas din ang bilang ng mga naitayong tower.

Noong 2019, umabot lang sa 1,746 towers ang naitayo ng mga telco.

Noong 2020, umabot sa 4,337 towers ang naitayo o katumbas ng 148 porsyentong pagtaas.

At mula Enero hanggang Abril 2021, 1,672 towers na ang naitayo.

Sa ngayon umaabot na sa 24,614 na cellular towers ang naitayo sa bansa.

Ang Globe ay mayroong 10,941 towers, ang Smart ay mayroong 10,433 at ang Dito ay mayroong 3,240 towers.

Patuloy din ang paglalagak ng pondo ng mga Telco para sa fiber optic network. Sa kabuuan ay mayroon nang 846,323 cable-kilometers ang nailatag sa bansa.

Ang Smart ay mayroong 497,700 cable-kilometers na fiber optic, ang Converge ay mayroong 260,030 cable-kilometers, ang Globe ay mayroong 72,573 cable-kilometers at ang Dito ay mayroong 16,020 cable-kilometers.

Noong 2019, nasa 384,341 cable-kilometers lamang ang fiber network sa buong bansa.

Tumaas ito sa 726,705 cable-kilometers, noong 2020 o 89% na pagtaas.

At sa taong 2021, ay nakapaglatag na na 846,323 cable-kilometers.

Inaasahang mas mapapabilis pa ang pagroll out ng telco infrastructure sa bansa dahil mas ang mga LGU ay nakatutugon sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 s. 2020 ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Interior and Local Government (DILG), Anti-Red Tape Authority (ARTA) at iba pa pang ahensya ng gobyerno.

Welcome development din para sa National Telecommunications Commission, PLDT, Globe, Converge at DITO ang pagpayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maokupa ng mga telecommunication companies ang bahagi ng Right of Way (ROW) ng gobyerno.

Dahil sa nasabing direktiba ng DPWH ay mas mapapabilis ang telco infrastructure projects lalo na sa mga national roads.

Habang ang Dito Telecommunity na ngayon ay operational na sa 100 lungsod sa buong bansa.

Inaasahang mas itataas pa ng Globe at Smart ang kanilang capital expenditures sa taong 2021 dahil sa bagong competisyon.

Ang Globe ay nakatakadang maglaan ng P70 bilyon, habang ang Smart ay P92 bilyon sa 2021 para sa improvement ng kanilang pasilidad at serbisyo.

Ang Fiber internet company na Converge ay inaasahan ding itataas ang capital expenditure mula sa P19 bilyon noong 2020 patungo sa P20 bilyon sa 2021.

TAGS: converge, dito telecom, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Smart, Telco towers, converge, dito telecom, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Smart, Telco towers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.