Maynila, nakapagtala ng highest daily COVID-19 vaccination record na 22,066

By Angellic Jordan May 31, 2021 - 03:39 PM

Manila PIO photo

Umabot na sa 22,066 katao ang bilang ng naturukan ng bakuna ng Manila Health Department (MHD) laban sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Naitala ang all-time high COVID-19 vaccination record sa lungsod noong Sabado, May 29.

Mula ito sa mga nabakunahan sa 19 mass vaccination sites, Ospital ng Maynila Medical Center, Sta. Ana Hospital, at Manila City Hall na napaulat sa MHD hanggang 9:00, Sabado ng gabi.

Patunay ito na naabot ang target ng Manila LGU na makapagbakuna ng 18,000 katao sa loob ng isang araw.

Umaasa naman si Mayor Isko Moreno na makakapag-report ang MHD ng tuluy-tuloy na mataas na bilang ng nabakunahang residente sa Maynila.

Patuloy ang paghikayat ng alkalde sa publiko na dumaan na sa pre-registration para sa libreng bakuna sa manilacovid19vaccine.ph.

TAGS: COVID-19 vaccination in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, COVID-19 vaccination in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.