Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 171.03 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 171.03 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 171,038,250 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,043,068 cases.

Sumunod na rito ang India na may 28,047,534 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 16,515,120 naman ang kaso sa Brazil habang 5,666,113 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,242,911
– Russia – 5,063,442
– United Kingdom – 4,484,056
– Italy – 4,216,003
– Argentina – 3,753,609
– Germany –  3,687,715
– Spain – 3,668,658
– Colombia – 3,383,279

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,556,889 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 153,325,144 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...