Dalawa patay, higit 20 sugatan sa Florida concert drive-by shooting

By Jan Escosio May 31, 2021 - 11:36 AM

PARKER BRANTON FB PHOTO

Pinaulanan ng mga bala ng tatlong katao ang grupo ng concert-goers sa Miami, Florida.

Nangyari ang pamamaril sa labas ng banquet at event halls ng Miami Garden.

Isa mga sugatan ang nagsabi na nakasuot ng hoodies at ski masks ang mga salarin.

Ayon naman sa Miami-Dade Police Department ang mga biktima ay naghihintay lang na makapasok sa concert venue nang maganap ang pamamaril.

Sabi pa ng lokal na pulisya, pagbaba ng mga salarin mula sa isang Nissan Pathfinder SUV ay agad na nilang pinaulanan ng mga bala ang mga tao.

Agad din silang tumakas at inaalam pa ang motibo sa huling ‘shooting spree’ sa US.

“These are cold blooded murderers that shot indiscriminately into a crowd and we will seek justice,” sabi ni MDPD Director Alfredo Ramirez III.

Nagsimula na rin ang fund drive para sa ibibigay na pabuya para sa mga ikaaaresto ng mga salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.