Vice presidency o retirement, pinag-iisipan ni Senate President Tito Sotto sa 2022

SENATE PRIB PHOTO

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na kasama sa pinag-iisipan niya ay asamin sa 2022 elections ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

 

“The Office of the Vice President is something else…I have to admit I’m thinking about it unlike the other politicians who say they’re not running but on the day of the registration, nangunguna,” sabi ni Sotto sa isang panayam.

 

Ngunit agad din niyang sinabi na ang pagsali niya sa vice presidential race ay mangyayari lang kapag hindi niya pinansin ang tukso na magretiro na sa politika.

 

Dagdag pa nito, ikukunsidera din niya ang pagiging bise-presidente kung bibigyan ng mga karagdagang responsibilidad ang posisyon.

 

“That will make me run, if we can upgrade the vice president into something really [prominent]…like for example, if the vice president will be handling the problem of illegal drugs and drug abuse, remove it from the plate of the president,” sabi pa ni Sotto..

 

Dagdag pa niya; “That’s what I’m saying, you enlarge the program and the office of the vice president to be able to do that, something like that, if we do that, perhaps, yes, I will consider.”

 

Aniya anuman ang kanyang magiging desisyon ay mangyayari pagkatapos ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo.

 

“Perhaps after the SONA, maybe. July, maybe August, September, thereabouts,” pahabol niya.

 

Read more...