Metro Manila mayors itinutulak na makasama sa A4 vaccine list ang work from home workers
Itutulak ng 17 Metro Manila mayors na makasama ang mga manggagawa na nasa work from home arrangement sa babakunahang essential workers na nasa ilalim ng A4 category.
Ibinahagi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ito ay napag-usapan na nila ng mga kapwa niya alkalde sa pulong ng Metro Manila Council (MMC).
Partikular aniya nilang nais mabakunahan na ay ang mga nagta-trabaho sa call centers na ngayon ay nasa work from home mode at aniya ay hihilingin nila sa Inter Agency Task Force (IATF).
‘Yun pong interpretation, lahat po ng lumalabas, formal o informal po na worker natin na lumalabas ng bahay, yun po yung ating A4 category. Ang atin pong sinusulong, pati po sana yung work at home kasi lumalabas rin naman po sila, para mabigyan din po ng priority sa vaccination,” ayon sa namumuno sa MMC.
Inaasahan na ngayon Hunyo ay sisimulan na ang pagpapabakuna sa nasa A4 list sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.