Sasakupin din ng hihilingin ni Gatchalian na pagdinig ang ginagawang pagpapa-utang ng mga kompaniya na wala sa pangangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC).
Sinabi ng senador pag-aaralan kung kakailanganin na magpasa ng batas para matakpan ang mga ‘butas’ sa ipinatutupad na policies at guidelines na ipinatutupad ng mga kinauukulang ahensiya.
“Dahil sa marahas na pamamaraan nila ng paniningil, may mga biktimang nabalitang nag-suicide at marami na rin umano ang nakararanas ng death threats,” sabi ni Gatchalian, ang vice chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.
Payo niya sa mga nangangailangan ng pera na kilatisin ng husto ang mga nag-aalok ng pautang lalo na kung kaduda-duda ang pag-aalok nila ng pautang.
Ibinahagi ni Gatchalian na patuloy siyang nakakatanggap ng mga reklamo ukol sa dinaranas na pananakot at panghihiya ng mga inutangan nilang kompaniya.