GCQ extension pinapaboran ng Metro Manila mayors pero pagbubukas ng ilan pang negosyo ihihirit

By Jan Escosio May 31, 2021 - 09:09 AM

Irerekomenda ng Metro Manila Council (MMC) na paigtingin pa ang pagpapa-iral ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Hunyo 1.

 

Ito ang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na siyang namumuno sa MMC.

 

Ngunit dagdag ni Olivarez irerekomenda din nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang pagbubukas pa ng mga karagdagang negosyo.

“Ito po yung mga MICE, ito yung mga meeting, incentives conference at saka mga exhibits pero limited capacity po yan, hindi po 100 percent,” sabi ng opisyal.

 

Nais din nila na magbalik-operasyon na rin ang mga tinatawag na ‘outdoor amusement attractions’ bagamat mananatili ang unified curfew na alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

Sinabi pa ni Olivarez na hindi maaring magpakampante bagamat bumubuti ang bilang ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila, maging ang sitwasyon sa mga ospital.

 

Inaasahan ngayon araw ay iaanunsiyo ng Malakanyang ang bagong quarantine classification ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.