Karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V COVOD 19 vaccines ang dumating sa bansa alas-10:30 kagabi.
Tinanggap nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang mga bakuna na gawa sa Gamaleya Research Institute sa Russia.
Sakay ang mga bakuna ng Qatar Airways Flight QR 928 at lumapag sa NAIA Terminal 3 at agad dinala ang mga ito sa PharmaServ warehouse sa Marikina City.
Sinabi ni Galvez na ang mga bagong dating na bakuna ay agad dadalhin sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID 19, kasama na sa Metro Manila.
Ito ang ikalawang shipment ng Sputnik V vaccines at ang una ay ang 15,000 doses na dumating noong Mayo 1, na sinundan ng karagdagang 15,000 doses noong Mayo 12.
Samantala, ibinahagi ni Galvez na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay magkakasunod-sunod ang dating sa bansa ng mga biniling bakuna ng Sinovac, Pfizer, AstraZeneca at Moderna.