FDA Law ikakasa sa mga magbebenta ng COVID 19 vaccines – DOJ

By Jan Escosio May 31, 2021 - 07:42 AM

Mahaharap sa mabigat na kaso ang maaaresto dahil sa pagbebenta ng bakuna laban sa COVID 19.

Ito ang sinabi Justice Sec. Menardo Guevarra at aniya mabigat na parusa din ang kahaharapin sinoman mahahatulan dahil sa pagkakasangkot sa ‘vaccination slot for sale’ modus.

Sinabi pa ni Guevarra maaring kasuhan ng paglabag sa FDA Law ang maaaresto at aniya mas mabigat na kaparusahan ang nakasaad sa naturang batas.

Paalala niya ang lahat ng COVID 19 vaccines na nasa bansa ngayon ay pag-aari ng gobyerno at hindi maaring ipagbili.

Paglilinaw naman niya, ang bibili ng COVID 19 vaccines o ng vaccination slot ay hindi maaring kasuhan.

“Walang penalty sa taong voluntarily pumayag. Katawan niya yun, sariling decision niya yun kung gagamit siya ng gamot or not o ng vaccine or not,” pagdidiin ng kalihim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.