Nonito Donaire, bagong WBC bantamweight champion, gumawa ng kasaysayan sa boxing

SPORTS.INQUIRER.NET

Si Nonito Donaire ang itinuturing na pinakamatandang bantamweight champion sa kasaysayan ng boxing sa buong mundo.

Pinabagsak ng 38-anyos na Filipino si French-Moroccan Nordine Oubaali sa 4th round ng kanilang paghaharap sa Dignity Health Sports Park sa  Carson, California para sa WBC bantamweight title.

Dalawang beses nang pinabagsak ni four-division wold champion ang kalaban sa third round at sa pagpasok ng dalawang minuto sa fourth round ay nagpagkawala na ng sunod-sunod na suntok si Donaire.

Sinabi ng ‘The Filipino Flash’ na napag-aralan niya ang galaw ni Oubaali kayat nagawa niyang magpakalawa ng isang malupit na left hook na nagpabagsak kay Oubali.

Ngayon ay may 41 panalo na si Donaire at 27 ay sa pamamagitan ng knockout.

Ang kanyang pang-anim na pagkatalo ay mula kay IBF at super WBA champion Naouya Inoue ng Japan, na nais niyang resbakan sa susunod niyang laban.

Samantala, nabahiran na ng talo ang record ni Oubaali.

Read more...