Wildlife species mula Malaysia nasabat sa Pasay City

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Department of Environment and Natural Resources ang iba’t-ibang uro ng wildlife species sa isang Fedex warehouse sa Pasay City.

Sa pahayag ng BOC, kabilang sa mga nasabat 20 piraso ng sulcata tortoise, 10 piraso ng razorback turtle, isang red bearded dragon, dalawang  corn snake at walong savanna lizard.

Nabatid na galing ng Kuala Lumpur, Malaysia ang mga wildlife species at ideneklarang ‘lego toys’ ng consignee.

Sa isinagawang operasyon ng BOC, naaresto ang hindi pinangalanang consignee.

Kasong paglabag sa Illegal importation of Wildlife species under Section 1113 sa Republic Act 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act” at  “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” ang kakaharaping kaso ng consignee.

 

 

Read more...