Dating pari patay sa pamamaril sa Cebu

By Chona Yu May 29, 2021 - 04:54 PM

Patay ang isang dating pari na naging high ranking official ng New People’s Army matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Upper Poblacion, Pilar, Cebu.

Nakilala ang dating pari na si Rustico Luna Tan, 80 anyos.

Ayon sa ulat ng pulis,  nakahiga sa duyan si Tan nang barilin sa mukha at katawan.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo sa pamamaril kay Tan.

Nabatid na noong 2017, naaresto na si Tan dahil sa kasong murder subalit nabasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Muling nadawit si Tan sa isa pang kaso ng pagpatay sa Bacolod noong Marso 2020 subalit naibasura rin ang kaso.

 

TAGS: cebu, dating pari, NPA, pilar, Rustico Luna Tan, cebu, dating pari, NPA, pilar, Rustico Luna Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.