Isinagawa ang survey mula April 5 hanggang 10 o bago pa ang naging kontrobersiyal na pahayag ni Duterte sa Australian rape victim.
Nakakuha si Duterte ng 32 percent na mas mataas ng pitong puntos kay Senator Grace Poe na nakakuha naman ng 25 percent.
Statistically tied sa ikatlong pwesto sina Vice President Jejomar Binay na may 20 percent at si administration candidate Mar Roxas na may 18 percent.
Si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nasa ikaapat na pwesto na nakakuha ng 1 percent.
Sakop ng survey ang 4,000 registered voters nationwide, na may margin of error na plus minus 1.5 percent.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang komento ni Duterte sa Australian rape victim noong 1989.
Ayon sa ilang political analyst, maaapektuhan ng nasabing insidente ang kandidatura ni Duterte.